nagsimula ang blog na ito bilang sisidlan ng mga kwento. sabi ko nga “dahil ang buhay ay isang maikling kwento…”
ngunit lumaon, tumatagal ang pag-papublish ko ng mga nasabing kwento. nagsidating ang mga tula, at imbis na ilagak sa dLr (ang nauna kong blog kung saan una kong nilagay ang ‘tagpoe’) dito ko na ito nilagay.
‘di ko sinadya, ngunit sadya sigurong hindi na lamang ito ang lugar kung saan ko ibabahagi sa inyo ang iba’t ibang kwentong nahuli ko… kundi pati na rin ng mga tula (kung matatawag na ngang tula ang mga iyon).
naisip kong palitan ang pangalan ng blog, pero naisip kong pwede pa rin pala… kung bibigyan ko ng bagong kahulugan ang shortfix. “imbis na short fiction, palalimin mo ito,” sabi ko. kaya dahil lahat naman tayo ay may kanya-kanyang kinahuhumalingan, at kina-aadikan… ang sa ‘kin ay ito. ang magsulat ng hindi pang-trabaho.
ito ang short fix ko… na pansamantalang maglalayo sa akin sa tunay na buhay, na magbibigay sa akin ng ligayang kakaiba sa tuwing nais ko.
hindi ko hinihiling na ma-adik din kayo, bagkus ina-asam kong mapagtiyagaan ninyo, at makapagbigay kayo ng mga komento na lalo pang makakapagpaganda ng mga lalamanin ng blog na ‘to. muli, ako’y nanghihingi ng paumanhin pagkat ngayon lang ako nakapagsulat ng mga ito, makalipas ang ilang taon. kaya pagpasensyahan niyo na kung hindi gaanong kaingga-ingganyo, o kaya naman ay ‘di masyadong pulido ang mga naisulat ko.
sana magustuhan ninyo
hanggang sa muli.
-diwangLaya
1:17 pm
08.08.07
Ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat. Kasama ka sa pagpapalago ng bagong yugto ng panitikan sa himpapawid. Isang tagay sa iyo.
salamat po sir!
naiyak naman ako… serioso.
oo nga…I’m a fan.. hehe GO! GO! GO!
nakakaiyak naman po yumg kwento nyo ako po si omel advincula add nyo po ako sa friendster PANDAK PO AKO !!!!
@omel: anong nakakaiyak? hahahahahaha!