Sa totoo lang
Walang saysay ang lahat
Ng sabihin niya, ko, mo…
Nating lahat.
Kaya’t masnanaisin kong
Pakinggan na lang
Ang kling-kling-kling
Ng mga susi; ng mga susing
Dala-dala ng mamang
Nagpapaikot-ikot
Sa mga pasilyo ng aming gusali
Dahil siya
ang nakakaalam
Ng lahat; ng lahat
Ng katotohanan
Sa mga tanong ng sanlibutan.
Nakikita niya yun
Sa likod ng bawat pinto
Niyang binubuksan.
Isa-isang binubulong
Ng mga hubong
Kuwarto ang mga sagot
Sa kanya
At kinikimkim niyang lahat
Ang mga bagong pulot
Na katotohanan
Habang umaawit
Ang mga susi
Sa pasilyo ng, “kling-kling-kling…
Kling-kling.”
Mabigat ang trabaho
Ng mamang taga-dala ng susi,
Natatapos ang araw nang
Siya’y hapong-hapo
At namumula na ang mga
Daliri na madaling-madali
Sa pagsuksok-pihit ng mga susi
Sa mga nakakandadong pinto.
Kaya’t marahan niyang hinihimas
Ang mga kamay
Bago matulog
At nakikita niya ang ‘yong mukha
Sa isip niya- hahaplusin niya
Ang ‘yong pisngi nang dahan-dahan.
Malaon, susundan niya ang hugis
Ng ‘yong mukha… leeg… balikat…
At napapapikit habang
Maingat niyang pinagagapang
Ang mga daliri
Na parang nagbubuklat
Ang mga sagradong pahina
Ng Bibliya
Mapapausal siya ng– pahinga. Kailangan ko ng pahinga.
Ngunit wala siyang magagawa.
Kinabukasan, muli siyang roronda-
Sa mga pasilyo ng gusali
At muling maririnig
Ng bawat sulok ang kling-kling-kling
Ng mga susi niyang tangan.
Aalingawngaw ang kling-kling-kling
Habang isinisigaw niya
Ang ‘yong pangalan
Sa kanyang isipan.
At sa pagbukas ng bawat pinto,
Kasabay ng pagsilip sa kawalan,
Ibinubulong niya sa hangin ang,
“Nasaan ka?“
Patuloy lulunurin ng
kling-kling-kling
Ang isinisigaw ng damdamin niya.
Magugustuhan mo ‘to.
alasais.wordpress.com
Tem-i of Alasais
Tem-i: salamat sa pagbisita.
pero hayaan mo’t pag nalibre babasa’t tutugon ako.
dumapo akong saglit sa site ninyo, at medyo nagkandaligaw-ligaw ako. tama si sir bob, wag masyadong maraming pahina, pero diskarte nyo pa rin yun siyempre.
hindi pa ko masyadong nakakabasa kasi nasa opisina ako ngayon
sino ang mamang may susi?
chelly: ahaha! intrigera ka talaga… wala, may nakita lang akong mamang may susi nung nakaraan. pero ikaw, kung gusto mong gawin siyang totoong tao, ok lang
janitor yan. hahaha. ang corny. sabi ko na nga ba yung janitor dito sa sedcco ang nakakaalam ng sagot kung sino ang nagyoyosi sa CR namin tuwing umagang-umaga at uwian.
may napansin lang ako sa mga tula mo. parang yung nagsasalita laging lost, confused, helpless, hopeless. current state of mind ba to?
hello! kunichiwa!!! ano ka ba, hanggang ngayon hindi mo alam kung sino yung nagyoyosi dyan sa 6th floor. yun yung babaeng majubis na kulot-kulot na nagyoyosi din sa may fire exit, no! tsk. ikalawang linggo ko pa lang diyan, alam ko nang siya ang salarin. at nagyoyosi ata siya sa banyo habang tumatae. haha. di ko nga lang alam kung saang unit siya dyan nagwowork, pero lagi yung nakatambay sa may tapat ng cargo elevator (dahil nga nagyoyosi siya sa fire exit). siya ang nagbibigay ng iresponsableng mukha sa ating mga adik sa yosi. may mga ganon? haha.
anyway, hindi ko alam yung sinasabi mong state of mind. confused, lost, helpless, at hopeless nga ba ako? teka, tanong ko sa pinsan kong psychometrician.
sabi nga nila dito sya daw yun. di pa namin kasi nahuhuli. kakainis kasi kahit nagyoyosi ako may mga sagradong lugar para sa akin. isa dun ang CR. hahaha. ang baho kaya dahil nakukulob. (ano ba yan eto na talaga ang pinag-usapan. gawin talagang chatbox ang comments section nitong blog mo no)
wala naman, napansin ko lang na parang ganyan ang tema ng mga tula mo. Ok lang, wag ka ng mahiya, itanong mo din sa kin to: Kailangan bang malungkot isang tao… hahaha.
hahaha. hindi niya mababasa yung tanong mo kasi hindi siya napapadpad dito
kailangan ba nyang mabasa? ahem, sino nga sya? hahaha. para sa yo lang naman ang mga komento ko. hahaha.
chelly: waahhh!!! leche ka. hahaha.
sa palagay ko masyado malalim ang tula mo ha?
about keys? sa palagay mo ba sino ang my dala ng suai? sa palagay mo ba na ang taong nakikita mo eh nakikita rin ba ng iba? baka naman sa iyo lang siya nagpapakita dahil mahilig ka gumawa ng tula, tutal mahilig ka naman gumawa ng tula?
teka lagi ka bang gumagawa ng tula?
secret siga: malalim ba? parang hindi naman. hindi kasi ako malalim na tao, sa palagay ko. panay kababawan lang ang pinagsusulat ko, sa totoo lang.
hindi rin ito “about keys?” lang, kundi tungkol sa awit ng mga susi at sa mamang may dala ng mga ‘yon, na oo, maaaring ako lang ang nakakakita. pero, hindi ka pa ba nakakakita ng mamang taga-dala ng susi? sa skwela o building ng opisina ninyo?(kung nagtatrabaho ka na)
marahil ang talagang gusto mong itanong ay kung, “sa palagay mo ba tula na iyang ginagawa mo?” tama? kasi panay “?” ang nakita ko sa tugon mo. parang nakikita ko pa ang pagtaas ng kilay mo. hahaha.
ang totoo’y hindi ko alam… nagsusulat lang ako para mailabas ang kung ano mang pumapasok sa isip ko. hayun. ganun ka-simple. bahala na si Batman sa kung anong sasabihin ninyo.
at paminsan-minsan lang ako sumusubok na magsulat ng mga yan.
salamat sa pagbisita.
well, ganun ba…
magaling ka pala gumawa ng tula, sa palagay ko nakahiligan mo ang magsulat ng tula kapag wala kang ginagawa, noh…
ito lang, gusto ko malaman kung papanu mo gawin tula or kwento ang isang binibining babae na sa tingin mo eh parang manang ang dating nya….
kaya mo ba yan? maraming salamat sa inyo…
ok lang ba sa inyo na makitugon na rin sa mga nangyayari dito?
MERI KRISMAS SA INYONG LAHAT, NAWA’Y PAGPALAIN KAYO NG MAYKAPAL!!!
@secret siga: ako, magaling?
NYE!
salamat sa muli mong pagbisita. ayos lang na tumugon ka, bat naman hindi? pero maaaring hindi ako agad makatugon sa tugon mo, ha. bigay ka na rin ng specific points kung paano ko maaayos ang kung ano mang nabasa mo dito. ayos yun.
tungkol naman sa tanong mo, na kung kaya ko magsulat nung tungkol sa manang girlet, subukan ko, a… pag may oras.
nga pala, paano ka napadpad dito? may blog ka rin ba? pabasa.