dahil ito lang
ang kaya kong isulat,
pagpasensyahan mo na…
hindi ako marunong tumula.
basta lang akong
nagtatala ng mga
bagay na pumapasok
sa ‘king isipan.
nagtatala ng
kung anu-anong nakikita
sa kapaligiran.
di ‘to mahahalangang tala,
di ‘to kapupulutan ng kung ano mang
kaalaman.
ano ba naman:
ang pulumpon ng mga
nagsilagas na buhok sa palikuran;
ang mga gabok sa sulok ng kwarto
na kawangis ng mga nangutim na bulak,
nakakahinayang i-dust pan;
o ang mga sunog na parte ng damuhan
sa gilid ng gusali kong tinutuluyan,
na gawa ng mga gutom na kaluluwa
walang yaong mga halaga, hindi ba?
ang mga yun, singpayak lamang
ng mga ibong naglulundagan
sa loob ng kanilang mga hawla sa kapitbahay, habang
ang ibang ibo’y walang tigil sa paghuni
sa taas ng mga punong nasa gitna ng gubat
ng urbanidad.
marami pa, marami pa akong
nakikita.
marami rin akong naririnig. tulad ng:
mga hangos ng mga nagmamadaling paa
sa istasyon ng tren; mga pulso
sa leeg ng mga humuhuli ng
idlip habang nakatayo sa tren, sa bus,
sa pila sa bilihan ng mami; mga hiyaw
sa mata ng mga taong ilang taon nang
nakikipaghabulan
sa oras,
sa bukas,
sa kani-kanilang pangarap.
kitam. wala ka namang natutunan, diba?
dito kung saan
hinuhuli pati ang
katahimikan, kung saan
di lang tuwa kundi hayahay
na inaasam ang nasa puwitan
ng bawat bote ng beer,
mahirap tumula, kaibigan.
kaya’t pasensya na
kung hanggang ngayon,
di ako marunong tumula.
wow, may bagong poem! bakit ganun, parang nakakaiyak? i wish was special, you’re so very special ang drama (sensya na i’m listening to creep). huhuhu… i don’t care if it hurts, i wanna have control. i want a perfect body, i want a perfect soul. tama na nga wala ng sense to.
gawa ka pa madaming tula. miss us.
susubukan kong dalasan… ang hirap nga kasi… nakakatakot. hahaha!