Imbak para sa Hunyo 23rd, 2008

23
Hun
08

more takda galore!

“tell me will i ever survive…”

-introvoys

:lol:

———-

para sa aming ikalawang takda, inassign uli kaming gumawa ng sampung maiikling tula. muli, 4 na tanaga, 4 na dalit at 2 awit. sa pagkakataong ito, hindi na ang tugma lang ang dapat naming intindihin habang nagsusulat. kailangan na rin namin siguraduhin na nakasunod ang mga tula namin sa ibinigay na balangkas, tono, at ang pinakamababang uri ng tugma ay pantigan dapat (ang huling kp/pk ng salitang pantugma ay magkaparehas at magkakaparehas na maragsa/malumay/malumi/mabilis ang pagkabigkas).

syempre, marami pa rin akong mali… kasi ang engot, hindi nagreview bago sumulat so nagkahalo-halo yung tugma ng iba (may maragsa na napahalo sa malumay etc.) may dahilan naman ako, ang toxic kasi sa opis netong mga nakaraan dahil may event… (trabaho talaga, istorbo sa workshop), kaya hayun isa lang ata nakapasa :lol: pero ipopost ko na rin miski mali (para may pagtawanan tayong lahat pagdating ng panahon) BWAHAHAHA!

game.

mga tanaga

dahil mapangarap ako, gumawa ako ng isang mahabang tula na binuo ng mga tanaga. dapat dito ang balangkas ay pasuhay. pag pasuhay yung unang line may general statement na susuportahan ng mga susunod na linya ng tula.

Ang bayan kong kawawa

Sa bayan kong kawawa
Marami na ang sawa; (mali kasi mabilis ang “sawa”)
Para kang nasa kawang
Tinututong ng yawa.

Sa mga datung piling
Bumibili ng dili—
Bawal kang mananghili.
Bubusalan ‘yong tili.

Salubungin ng kalo,
Piliting makihalo!
Kung ayaw mong mapalo’t
Sabihang naglalalo.

Pagkat bayan mong mahal
Mga mata’y may tapal,
Inasa na sa dasal
Ang pantubos ng dangal.

actually, di namin chineck ang mga tanaga, kasi zinero na kami ni sir Rio dito :lol: ayaw kasi namin mag-comment sa gawa nung naunang nagbasa… so yan lang ang obvious kong mali ko. kung may nakikita ka pakisabi na lang. hehe (utusan daw ba kita?)

mga dalit

dito naman, dapat patimbang ang balangkas… 2 lang yung napasa ko sa tugma, kaso isa lang yung na-sakto sa patimbang na balangkas… (ang patimbang, may dalawang bagay kang tinitimbang sa saknong) napulaan pa kasi, “bakit yeso yung ginamit mo? pantugma lang ‘to ‘no?” hahaha.

Leksyon

Panganib ay nakaamba (mali)
Sa kanilang mga aba.
Pinili kasing sumamba
Sa pera na dumadamba.

Hitik sa pamamarali, (mali)
Pinagbabakasakali
Ang kakaunting pambili;
Sinasagad hanggang huli.

Pa’no makakaprogreso (eto lang ang keri)
Kung laging kulang sa Piso?
Marami ka nang atraso,
Upod na lahat ng yeso.

Bago malagas ang buhok (pasuysoy dahil sa “pagkat”)
Mag-aral ka nang magsuksok.
Pagkat paggastang mapusok
Tiyak mong ikalulugmok.

eto naman…

mga awit

mali yung una dahil sa tugma :D pasuysoy naman ang balangkas na dapat dito. pag pasuysoy ine-inumerate mo yung details/ideas sa mga unang taludtod, tapos sa huling saknong yung generalization. kabalikataran siya ng pasuhay.

ang bigo

Di s’ya mapakali’t lagi nang balisa, (mali)
Dinaluhan na rin ang lahat ng misa.
Kaya sinubukan niyang mapag-isa
Hayun, malamig nang nakita nung pista.

Ang akala nila sadya lang s’yang sabik
Pagkat kan’yang irog muli nang nagbalik.
Inihanda na n’yang matamis na halik,
Ngunit nakita ‘tong may ibang katalik.

———-
siguro nagtataka kayo kung bakit ganun ka-particular sa tugma ang bawat takda, ganun talaga… kasi nagsisimula pa lang kami. kailangan pa naming yakapin ang tradisyunal. kailangan munang isapuso ang sukat, AAAA, etc. sabi nga ni sir Mike, kailangan mo munang makulong bago ka lumaya.

and because i can only share so much.

kung gusto nyo talagang matuto tumula sa Filipino;
1.bumili kayo nung libro ni sir Rio, yung Taludtod at Talinhaga (malapit nang magkakaroon nito sa National Bookstore kasi pinapublish pa lang ang bagong ed.) o tignan ninyo sa library ninyo ang mga lumang edition.
2. bumili din kayo ng UP Diksyunaryong Filipino (kasi bukod sa mga ibig sabihin, dun nyo rin malalaman ang tamang bigkas sa mga salita. medyo may kamahalan pero ganun talaga kung gusto ninyong matuto… matagal nyo naman magagamit, pero kung wala talaga kayong anda, yung Viccasan Dictionary ayos na rin daw (actually yun ang gamit ko dahil wala akong P1800 na pambili nung una kong binanggit)
3. masmaganda kung sumali kayo sa palihan next year :lol: kasi marami talaga kayong matututuhan pramis! (gaya nyan, “matututuhan” dapat at hindi “matututunan” sabi ni sir Rio, kasi wala naman daw hulaping -nan)
4. dapat rin alam nyo yung kanta ng Silverchair… yung,”c’mon, abuse me more i like it…” kasi kung bibigay ka kaagad, wag mo nang simulan. bawal din pala ang committed (kumitid ang utak) :lol:

———-
tambling!