heto’t ipopost ko ang mga assignment kong hindi masyadong nakakahiya.
HAHAHAHAHA!!!
———-
TANAGA
Ang Tanaga ay binubuo ng apat na taludtod. may pitong pantig bawat taludtod at dapat AAAA ang tugma. tama na ‘to, hindi katulad nung nakaraan (hehe) kasi ang mga tugma nito ay magkakapareho na rin. para sa tanaga, inassign kami na gumawa ng tugmaan sa mga patinig na a, e-i, o-u na may impit o glotal na pagsara (nakakaloka!) at ang huling saknong naman ay may tugmaan sa katinig na mahina.
Paano ba’ng lumaya?
Ano nga ba’ng dakila?
Ang mag-aral ng wika,
O lisanin ang bansa?
Paano ba’ng lumaya?
Kailangang pumili
At huwag magmadali. —> inedit ito from: ‘Pero h’wag magmadali’
Para hindi masawi,
Sundin ang iyong mithi.
Pakinggan ang ‘yong puso.
Huwag kang magpauto!
Sapagkat yaring ginto’y,
Mabilis lang maglaho.
Punuan mo ang puwang
Ng iyong katauhan.
Nang ganap na makamtan,
Tunay mong kalayaan.
DALIT
Ang Dalit naman, binubuo rin ng apat na taludtod, pero imbis na pito, may walong pantig sa bawat taludtod. Dapat magkakaparehas din ang tunog ng tugma sa dulo, sa pagkakataong ito ang tugmaang ginamit ay sa a, e-i, o-u na walang impit, at ang huli’y sa katinig na malakas.
Hindi na ko gumawa ng isang mahabang tula sa pagkakataong ito.
1. Nand’yan ka pala, kumusta?
Lagi kang naaalala,
Lalo na pag nababasa
Mga tula mong kay ganda.
2. Bakit nga ba laging huli?
Di ka tuloy makatabi.
Sadya ba’ng sa guniguni
Na lang kita mahuhuli.
3. Umaapaw na ang abo
Sa taktakan na gamit ko.
Ubos na ang sigarilyo,
Di pa rin tapos ang kwento.
4. Gusto ko sanang matulog —> eto lang ang na-very good (HAHAHA!)
At magpahinga nang lubos.
Handa na’ng higaang kapok,
Ngunit diwa’y puro surot.
AWIT
Ang Awit, may 4 na taludtod, 12 na pantig sa bawat taludtod at AAAA pa rin. dalawa yung pinagawa sa ‘min nito, pero may mali yung una kong ginawa (at di ko pa naaayos. hehe) kaya eto na munang may tugma sa katinig na malakas.
Simula na naman ng bagong pagsubok.
Di tiyak ang dulot, kung saya o poot.
Basta’t humanda ka’t, tibayan ang loob.
Ang ‘yong sinimulan, sikaping matapos.
———-
kailangan ko daw iwasan ang paggamit ng “ba’ng” tsaka kailangan kong tandaan na wala ng kudlit ang “di”, “pag” kasi noong unang panahon pa raw yun
ayon.
bahala na kayong humusga. keri lang, basta’t makakatulong
salamat!
okay ‘to ah.:D may bago akong natutunan ngayon dahil sa’yo.:D
tomatomaria: seryoso? sige, subukan kong i-post mga natututuhan ko ngayon dito
tamang pay it forward
uy, salamat!:D wow, istrayt ka na talaga mag-tagalog ang galing! nakakahiya, yan ang waterloo ko e.