Imbak para sa Hunyo 2nd, 2008

02
Hun
08

tanaga

subok lang.

may nabasa kasi ako noong nakaraan tungkol sa mga tanaga.
sabi, ang sukat daw nito ay 7777, at AAAA o di kaya ABAB ang tugma.

‘di pa ko masyadong nakakapagbasa tungkol dito (kasi andami kong ginagawa sa trabaho… tsk!), kaya sinubukan ko lang muna.

eto…

bumukas ang bintana
liwanag naglipana
sumugod ka na manang
yakapin ang tadhana.

‘wag kang mag-atubili
salubinging may ngiti
daang kala’y madilim
at puno rin ng lagim

lahat tayo’y may takot
sa panganib at poot
ngunit laya mo’y abot
sa pagwaksi ng bugnot

kaya’t salubungin na
likumin ang pag-asa
habang maliwanang pa
kumilos, mabuhay ka!

———-
hindi ko alam kung ano nang tawag sa lipon ng mga tanaga.

huwag kayong mag-alala, mag-aaral na ko patungkol dito (sa pagsusulat ng tula), simula ngayon sabado :D

———-
sana umayos ang pagsusulat ko.

bow.