nung nakaraan, nabasa ko ‘to sa multiply blog ni annette;
12. Dati, galit ako sa mga taong taglish magsalita at magsulat. Isip ko, ang sagwa. Bakit hindi mo makayang magsalita ng diretsong english lang o Filipino lang? Kailangang ganun ka, kung magaling ka talaga.
Pero ngayon, nagbago na ang isip ko. Kasi halos lahat talaga ng middle-class kids, pinalaki na gumagamit ng parehong lenguwahe. Kaya kumbaga, sa panahon ngayon, hindi na kayang i-express ng tao ang naiisip niya sa isang language lang. Palaging may uncertainty on how to use either. Parang pag may gusto kang sabihin in Filipino, hindi mo alam ang tamang term para dun kaya mag-plaplaster ka na lang ng English word na mas pamilyar sa’yo ang definition. And vice versa. Kaya tanggap ko na, we are a divided race. Mahirap nang baguhin yun. Wala namang kailangang sisihin, kasi nag-graduate na siya into a fact. May sinisisi ka ba pag may narinig kang fact? Wala naman diba?
pagkabasa nito, napaisip ako. madalas kasi, maski sa blog, tumataglish ako. at dahil may kalokohang “experimento shite” ako dito sa shortfix, naisipan kong gumawa ng isa na namang kalokohan.
objective:
magsulat ng tulang taglish. literal na lumundag mula english-pilipino-english sa bawat diwa ng isusulat.
bahala na kayong humusga… tulungan nyo akong sagutin ang tanong sa baba.
game.
———-
isang scene
cunningly, he looks at her from across the table…
she suddenly blurts, “Nangungusap ang mga mata mo.
May gusto kang sabihin,
ano yon?
He shifts his gaze, and smiles
at the waitress approaching.
Nilapag ng waitress ang isang platitong mani
sa mesita nila, at naglakad na muling pabalik
sa loob ng bar.
He then pulls of a napkin from the holder, gets
a pen from his pocket and scribbles; AYOKO NANG UMINOM.
He slides the note to her.
Napatitig siya sa kaharap matapos basahin
ang inabot nito. She tilts her head
and looks at him intently.
Kita sa mga mata niyang pilit na
binabasa ang utak ng kasama. She sends back a
question: what now?
napangiti ang lalaki, at napatingin
sa pinto. he gently presses his lips.
tumungo ang babae’t napahinga ng malalim.
cunningly, she looks at him from across the table…
smiling.
———-
tanong: does language really matter? sobrang pangit ba ng ganitong klaseng pagsusulat?
wala lang.
try nyo rin, hindi masyadong challenging
ika nga ng ibang chu, difficulty level:3-5 (ang range: 1-10)
hay naku. isa na naman sa mga mahahalay mong poems. actually para syang hindi tula, parang short story. “nangungusap ang mga mata mo.” Lasing ka na no? anong ayaw mo ng uminom? Plastic ka! what now? Eh di inom pa tayo! Pag lasing ka na, pupunta tayo sa… secret.
You’re poem is so maganda.
ayan chelot panis ka sa akin taglish na wrong grammar pa…hahaha
Matagal nang ginagawa ang Taglish sa tula bago pa man sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig. Kaya hindi na bago ng ginagawa mo, iha. Pero makabubuti pa ring magpakadalubhasa sa wikang Filipino. Walang mawawala sa atin kung hindi ang ating katangahan.
Ang wikang Filipino ay hindi lamang para sa balbal, kabalbalan, at pawers-wers. Ang wikang Filipino ay nakatadhana para sa dakilang panitikan.
Mamamatay lamang ang wika natin kung hindi gagamitin. Huwag kang matakot gamitin ang Filipino sa pagluluwal ng mga ambisyoso’t matataas na uri ng panitikang Filipino. Mabuhay ka, at isang tagay sa iyo.
chelly: ang baboy mo talaga!
erick: oo nga
‘your’ dapat. HAHAHA!
sir: ang ganda po nito, “Ang wikang Filipino ay nakatadhana para sa dakilang panitikan.”
salamat po sa inyong paglilinaw. hayaan nyo po’t pagsisikapan kong palawakin ang nalalaman nang mapaibayo ang aking pagsusulat gamit ang ating wika
isang tagay sa inyong lahat!
Uyyy… ngayon ko lang nakita ‘to ah.:D Hehehe may mga nabasa na nga akong tula na Taglish. Okay naman. Depende na rin talaga siguro sa execution kung babagay ba ang paggamit mo sa konsepto na gusto mong iparating. Natuwa nga ako sa sinulat mo e hahaha
ang malaking puno, ay gamot sa puso ng DIYOS)>>>>>>>>>
LOLZZZZZZZZZZ
@pawa: hindi ka naman nahihiya sa pag-aadvertise mo ng kawalan mo ng sense? masaya ka na nyan?