Imbak para sa Nobyembre, 2007

21
Nob
07

experiment #1

may bagong task na binigay sa ‘kin dito sa office ngayon, pero dahil sa friday pa ang deadline at wala pa namang bumabalik na revision sa ‘kin eto muna ang gagawin ko. bago pa mag-long weekend naisip ko nang gawin ‘to, pero naging toxic ako masyado.

ang aim ay magsulat lang nang magsulat. as in dire-direcho. parang yung mga rapper sa pelikula ni slim shady… tuloy-tuloy lang ang salita. wala lang, susubukan ko lang kung kaya ko pa mag-isip ng walang patid sa loob ng ilang minuto. dapat bago simulan, ready kang talaga. bawal ang madaya, dahil sarili mo lang din ang lolokohin mo. nagawa ko na ‘to dati, pero hindi sa pagsusulat… nakarecord lang sa tape.

yun yung time na dumating ako sa bahay namin galing dorm na walang tao, tas hinintay ko ng ilang oras sa garahe ang nanay ko. e may dala akong recorder, so yun, extempo.

so ano? game?

teka….

game.

———-

heto na nagsisismula na kinakabahan ako hindi ako sanay ultimo punctuations hindi ako makapaglagay malamang mahihirapan kayong basahin to nanginginig ako hahahaha teka dapat pala hindi ako tumawa bawal tumawa/ subukan ko na lang lagyan ng slash yung bawat break ko/ hindi ako sanay na hindi nagpeperiod/ pero kailangan mabilis/shet hindi ko natignan kung anong oras akong nagstart sa kalokohan kong to/ nakow/hindi ko rin maiwasan ang typo/wala naman sigurong magbabasa nito/ putek 2:40… yun ang nakita ko sa time ng pc knina matapos kong itype na hindi ko alam kung anong oras ako nagsimula pero siguro lampas na rin ng ilang segundo yun.sige mga 5 minutes ako magsusulat ng ganito/ kasi baka mahalata ng head writer sa likod ko na hindi ako nagtatrabaho/bagkus nagtatype ng kung ano sa blog/hindi naman stikto dito sa opis, pero syempre mahirap nang bigla na lang ka-pow! may ginagawa kang hindi maganda may memo ka gaga ka kasi kung ano-anu inaatupag mo/MAGNANAKAW! bwaha oops napamura na naman ako/so iniisip nyo ba kung masaya tong ginagawa ko/ ayos lang medyo naging komportable na ko kanina kaso balik uli sa shaking kasi bigla kong naisip yung mga tinagalog na english word na baka kung ano na naman ang spelling pero fuck that diba hindi pala ko nagmura kanina natawa ko siguradong matatawa ako pag binasa ko na uli tong entry este exercise na to kasi walang sense pero ganun talaga kasi bawal mag-pause e diba dapat direcho lang siguro akala ni chelly yung writer sa harap ko sobrang busy ko na naman sa work, hindi nya alam ganito lang ang ginagawa ko/ganun kasi dito sa opis pag naririnig nilang wala kang tigil sa pagpindot sa keyboard busing-busy ka na shoke nakakaloka ayan lampas na ko ng 5 minutes hanggang 10 na lang. masaya e.kaya ko pa pala to alam kong wala kayong mapapala sa pagbabasa nito depende sa inyo experiment nga e kaya ganun aya 7 minutes na ko nagsusulat ilang words na kaya to masmasaya to talaga pag usap e ginagawa namin to ni H dati ang badtrip lang dun kakapusin ka sa paghinga kaya ayus na rin to pero yun lang walang nakaka-alam na ginagawa ko to pero actually medyo nakakapos na rin akong huminga siguro dahil ang bilis mo dapat magtype yun bang effort sa pagiisip na kailangan mabilis kang maglagay ng itatype mo kasi pag hindi edi nakapag-isip ka na ng todo or more than a minute madaya na yon so eto na siguro last thought na to kasi 9 minutes na sana hindi masyadong none sense ang lumabas sana may mapulot akong aral pero keber na yun at least nagawa ko na to kung ano yung gusto ko talagang gawin for quite sometime now so hindi ko na kukulitin ang sarili kong gawin to

———-

gawd! nakakapagod.

tatapusin ko na tong post na to para ma-review na :lol:

try nyo rin! masaya :D

P.S.

after i-review BAWAL AYUSIN ang tinype sa experiment.  ang pagre-review ay para lang matawa ka sa pinag-iisip mo :lol:

09
Nob
07

wala ka na

ilang beses akong napatitig
sa telepono kanina.
“kiriring… kiriring…”
ang sabi niya
“kiriring… kiriring…”
pero hindi ikaw ang nasa kabilang linya.

akala ko rin muling magugulat
ng ‘kamusta ka na?’;maghapon akong nag-abang
sa pagbulaga ng iyong mukha
sa screen ng pc ko, pero wala…
wala ka na.

tuwing gabi’y mahirap nang humuli ng idlip
dahil sa pagpikit alam kong
wala nang himbing.
naalimpungatan ako noong isang gabi
mahigpit ang yakap ko sa katabing
unan; isa-isa kong inaayos ang ating mga unan
bago matulog. pinalilibutan ako ang mga ito.
pilit kong isinisiksik
sa ‘king tabi… walang puwang ang bawat gilid
ngunit sadyang ‘di nito maharang
ang lamig.

bukas, ‘di na kita aabangang muli
sa sulok ng pasilyong dinudungaw ko lagi
wala na ang ngiting sasalubong
sa ‘king mga
umagang darating.

ibang kamay na sinasapo
ng palad mo.
iba na ngayon ang katabi’t
yakap-yakap mo.
siguro nga’y
masaya ka na…
ilalabas ko na lang ang makapal na kumot
mamaya.

05
Nob
07

oo may nagbago.

binago ko na po ang url ng shortfix para masmadali ninyo itong matandaan.  ayun o, tignan nyo.  at yes! may header na ito!!!  salamat sa aking super web master friend, daddy g., for the syringe up there (it almost brought me to tears… AHAHAHAH!!! O.A amf, kasi nung isang araw ko pa na-vi-visualize pero dahil sa aking limited skills di ko magawa.  salamat uli daddy g.).

sana ma-enjoy nyo ang lahat ng pagbabago dito… naaalala ko tuloy yung paru-paro.

03
Nob
07

shortfix it still is!

hello sa inyong lahat na dumadalaw dito!!! :)

nung nakaraan, naisip kong palitan ang pangalan ng blog na ‘to. tinanong ko pa nga kayo kung ‘ano sa tingin nyo?’ pero isa lang ang nag-reply :lol:

anyway, napagdesisyunan ko nang hindi ito palitan, pero pero pero… inapdate ko na ang ‘about shortfix’ (kung mapapansin nyo, ang tab ay ‘ano ba ang shortfix’ na).

anyway, may pinaplano pa ‘ko para sa blog na ito. may ko-konsultahin lang akong websmaster tungkol sa gagawin ko bago ko ituloy ang plano. pag i-e-execute ko na babalitaan ko kayo :D saya no! para namang andaming pumupunta dito. ahahaha!!!

kebs.

yon. naka-pending pa rin ang alarm clock hanggang ngayon. naubusan na naman kasi ako ng scratch kakadraft ng kung anu-ano (sus! dahilan!!! ang totoo wala pa talaga ko sa wisyong ayusin yun :D ) nakakatakot e… :lol: tsaka habang naiisip kong gagastos ako ng malaki pag inencode ko yun sa pc-han/internetan/whathaveyou (dahil wala akong sariling pc, which may be weird for most of you dahil nagtatrabaho nga ko bilang writer… umm… hindi pala weird kasi alam nyong walang pera pambili ng pc ang mga writer na walang magulang na pwedeng hingian o utangan), lalo ako nawawalan ng gana. pero wag kayong mag-alala, gagawan ko ng paraan yun… someday :lol:

kaya yun. ayun lang. isang friendly update.

comment-comment lang!

pahabol:

nga pala, napakarami kong bagong entry sa dLr, daan din kayo dun (ahahaha!!! walang hiya e noh!!!)