Imbak para sa Oktubre, 2007

11
Okt
07

naisip ko lang…

kailangan ko palang palitan ang pangalan (at about) ng blog na ‘to.

hanggang ngayon ay ‘di ko pa rin na-aayos at napa-publish ang storyang naisulat ko :(   (bano!) at alam kong pansin nyo na panay tula na ang laman ng shortfix.

ano sa tingin ninyo?

11
Okt
07

ang liwanag

ilang minuto akong
naghintay ng antok,
pero hindi iyon ang dumating

di ba’t lagi namang ganon?

isang matinding liwanag
ang sumalubong sa akin kagabi.
nakakabulag.

gusto ko sanang hintayin na lamang muli
ang antok
ngunit sadyang di ko maiwasan
ang bisita,
kaya’t lakas loob ko na lang itong hinarap.

naranasan mo na bang maiyak
nang parang batang nawawala
dahil sa liwanag?
‘di ko inakalang iyon
ang naghihintay sa akin.

sinubukan kong tumitig…
pinaliit ko ang aking mga mata
para di tuluyang mabulag
ngunit ilang sandali pa lamang,
pumatak nang isa-isa…
mga luhang akala ko’y tuyot na.

pwede rin palang maging malamig
ang ganoong liwanag
na akala mo’y
nagbibigay lang ng pag-asa…
ng kaiga-igayang init.

naranasan mo na rin ito hindi ba?

alam kong naharap mo na rin
ang mga pagkakataong ganito.
alam kong naiintindihan mo ang pait
na dinanas ko.

dahil totoo,
masmadaling mabuhay sa dilim.