hanggat naghihintay ako ng himala, walang mangyayari sa akin.
birthday ng daddy ko ngayon. at ako’y bigo
hindi ko na-publish ang birthday gift ko sa kanya… ang una kong storya. hindi pa ko nakadalaw sa puntod kahapon, dahil sa napaka-masalimuot nadahilan. linsyak talaga yang pera!
mamaya, isusulat kamay ko na lang muna sa notebook ko ang ayos na draft ng kwento… bukas i-e-encode ko na lang pag may ‘free-time’ ako (sana).
hihingi na lang ako ng dispensa pag nakita ko uli sya mamaya sa panaginip ko.
hanggang sa muli!
huwag ka nang mahiya…